Nikki Mariz's posts with tag: adolescence

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag adolescence
Posted by Nikki Mariz on Feb 28, '08 7:59 AM for everyone

(from my friendster bulletin post)

No offense but blockmates and batchmates, meron ba sa 'ting ganito??

Ahaha.. All I can think of is that all of us have undergone some (or all) of these at least one point in our lives.

After all, we are in the adolescence stage. A stage of identity seeking... Identity VS Role confusion (ika nga ni Erikson)...

Ayan, masyado lang kasing nagiging stereotypical ang mundo,.

We are unique. We can't be determined by a single type of class. If you are, you're definitely undergoing a very MALdeveloped life! seek medical help asap! ^^

------------------

12 klase ng mga high school students...

CLOWNS
- ang official kenkoy ng klase. May
mga liner na gumigising sa lahat pag
nagkakaantukan na. Sabi ng ilang
teacher, eto raw 'yung mga KSP sa klase
na dahil hindi naman matalino e
idinadaan na lang sa patawa ang
pagpapapansin.


GEEKS
- Mga walang pakialam sa mundo,
libro-teacher-blackboard lang ang
iniintindi. Kahit na mainit ang ulo at
bad trip ang teacher, ang mga geeks ang
walang takot na lumalapit sa kanila
para
lang itanong kung mag-iiba ang result
ng
equation kung isa-substitute 'yung
value
ng X sa Y.


HOLLOW MAN
- May dalawang uri ang HM virus, ang
type A at type B. Ang type A ay ang mga
estudyanteng madalas invisible, bakante
ang upuan, madalas absent.Type B naman
ang mga mag-aaral na bagamat present e
invisible naman madalas ang sagot sa
mga
quiz; HOLLOW ang UTAK.


SPICE GIRLS
- Barkadahan ng mga kababaihang
mahilig gumimik, sabay-sabay pero
laging
late na pumapasok ng room pagkatapos ng
recess at lunch break. Madalas na may
hawak na suklay, brush,cellphone.


DA GWAPINGS
- Ang male counterpart ng
SG,isinilang sa mundo para magpa-cute.
KOnti lang ang miyembro nito, mga
dalawa
hanggang lima lang, para mas mapansin
ang bawat isa.Tulad ng SG, kadalasang
puro hair gel lang ang laman ng utak ng
mga DG.


CELEBRITIES
- Politicians, athletes, at
performers. Politicians ang mga palaban
sa mag-aaral na mas nag-aalala pa sa
kalagayan ng eskuwelahan at sa mga
kapwa
estudyante kesa sa grades nila sa
algebra. Athletes ang ilang varsitarian
na kung gaano kabilis tumakbo e ganoon
din kabagal magbasa. Performers naman
ang mga estudyanteng kaya lang yata
pumapasok sa eskuwela e para makasayaw,
makakanta,at makatula sa stage tuwing
Linggo ng Wika. Sa pangkalahatan, ang
mga celebrities ay may may matinding
PR,
pero mababang IQ.


GUINNESS
- Mga record holders pagdating sa
persistence. Pilit pinupunan ng
kasipagan ang kakulangan ng
katalinuhan.
Sila ang kadalasang nagtatagumpay sa
buhay. Masinop sa projects, aktibo sa
recitation. Paulit-ulit at madalas
magtaas ng kamay kahit na laging mali
ang sagot.


LEATHER GOODS
- mga estudyanteng may maling uri ng
determinasyon. Laging determinado ang
mga ito sa harapang pangongopya,
bulgarang pandaraya, at palagiang
pagpapalapad ng papel sa teacher. Talo
ang balat ng mga buwaya sa pakapalan.


WEIRDOS
- Mga problematic students,
misunderstood daw, kadalasang tinatawag
na black sheep ng klase. May kanya-
kanya
silang katangian. Konti ang kaibigan,
madalas mapaaway, mababa ang grades, at
teacher's enemy.


MGA ANAK NI RIZAL
- Ang endangered species sa
eskuwelahan. Straight 'A' students,
pero
well rounded at hindi geeks. Teacher's
pet, pero hindi sipsip. Hari ng MATH,
SCIENCE, AT ENGLISH, pero may oras pa
rin para sa konting extra-curricular
activities at gimmicks.


Bob Ongs
- Mga medyo matino na medyo may
sayad. Eto 'yung estudyanteng habang
nagle-lecture 'yung teacher e pinaplano
na 'yung librong ipa-publish n'ya
tungkol sa mga classmates n'ya.


COMMONERS
- mga generic na miyembro ng klase.
Kulang sa individuality at katangiang
umuukit sa isipan. Hindi sila kagad
napapansin ng teacher pag absent, at sa
paglipas ng panahon, sila ang mga taong
unang nakakalimutan ng mga teachers at
classmate nila....


repost this.
ano kah sa mga toh???


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help